A Man Is Not An Animal Poem by Captain Herbert Poetry

A Man Is Not An Animal

Nagagalit din tayo tulad ng tigre
Bumabait na tulad ng tupa
Mabangis din na parang leon
May mga taksil din na parang ahas

Nagiging baboy din pag suwapang
Parang aso kapag sobrang daldal
Tulad din ng isang buwaya kung magnakaw
Parang pusang tahimik subalt mabaho ang dumi

Hayop na kahit saang kanto nakikipagtalik
Kahit sino pinapatos basta magustuhan
Walang bawal bawal sa hayop kahit malason
Walang batas batas kahi magkamatayan

Ang tao pa rin ang pinakamataas na uri na nilalang
Kaya ng tao wasakin ang kapaligiran
Kaya ng tao na sirain ang kalawakan
Kaya niyang makalikha na makakatulong o makakasira din sa daigdig.

Mababang uri ang mga hayop at hindi nakakapinsala
Huwag sila eksperimentuhin, ibenta at ikulong
Pagkain din sila at nagagamit, wag lang sila abusihin
Sinira ng mga tao ang kagubatan na tahanan nila

Dati ang Tao ay tao dahil sa pag-iisip ng imbensyon
Nag-isip kung paano makalipad ang eroplano
Mga makina at iba’t ibang larangan ng kaalaman
Naabot ang buwan at nakaapak ng dahil sa syensya

Tumindi ng tumindi ang isip ng mga tao na naging komplikado
Parang naging robot na ng dahil sa mga computer at gadget
Hindi natin alam ang tunay at peke dahil sa teknolohiya
Tumaas ang kahalayan, kalibugan, at sobrang makasirili.

Nawawala na ang pagiging makatao at paggalang sa kapwa
Dumami ang nangangalunya at komplikadong relasyon
Nasisira ang mga pamilya at nawawala ang katapatan
Kalayawan, kalokohan, kalasingan, droga at adiksyon

Kapag nagalit ang hayop ay sasakmalin ka agad
Kapag nagalit ang tao ay mag-iisip muna bago bumunot ng baril
Ang tao ay magtitimpi muna bago magsalita ng masama
Ang tunay na tao’y iisipin muna ang kapwa bago magnakaw

Magkagatan at magkainan man ang mga hayop,
Balanse pa rin ang kanilang ekolohiya
Samantalang ang tao kung maging gahaman sa salapi at kapangyarihan,
Apektado ang mga gubat at natural na kayamanan

Apektado ang mga taong mahihirap na walang makain
Kapag swapang ang tao’y hindi balanse ang kabuhayan ng iba
Apektado ang mamamayan kapag ang matataas na tao’y wala ng konsensya at kaluluwa
Madami ang taong parang tupa subalit ang lakas ng kamandag sa paglustay

Unti-unti ng nasisira ang ating nilalanghap
Kaunting panahon na lang ay wala ng hanging malinis
Kaunting panahon na lang ay titindi pa ang init ng araw
Unti-unting tumataas ang mga baha na maraming kawawa

Bilyon ang mga tao na punong-puno ng ambisyon sa kanilang sarili
Wala na at nawala na ang pag-alay ng buhay sa bansa
Wala ng gustong mauna para ipaglaban ang katotohanan
Wala ng gusto ibaba ang kanilang prinsipyo para sa pagkakaisa

Ang tao’y hindi hayop para maging walang pakialam sa kanyang gagawin
Ang tao’y hindi hayop upang hindi maunawaan ang tulang sanaysay na ito
Ang tao’y hindi hayop na nakakulong lang sa kanilang grupo at lahi
May emosyon pareho ang tao at hayop na hindi palagi ginagamit sa lahat ng pagkakataon.

A Man Is Not An Animal
Sunday, June 28, 2015
Topic(s) of this poem: human and animal
COMMENTS OF THE POEM
Edward Kofi Louis 28 June 2015

Kaya ng tao sirain! Yes, a man id not an animal: not even a woman. For, we are all human beings MADE with LOVE by the CREATOR. Nice work.

0 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success