___ Poem by John Arvin Sangalang

___

Isang bungkos ng katangian
Ipiniit, pinagsisiksikan
Pilit nilalapat waksi nitong kaibuturan
Kaibuturang hirap at manong pahalagahan

Anila'y mahalga, ngunit pinagsasawalang bahala
Pagsasawalang bahalang mahalaga sa hindi pinagpala
Pinagpalang wagas ni hindi nangangahas
Wagas na hindi pinagpala, pilit nangangahas

Isang lumpay ng sarili bumabagsak galing taas
Taas ng binabagsakan sa isang sariling nalulumpay
Sariling nalumpay binigyang kaibahan
Kaibahang ibinigay naging buo sa lupaypay

Lupaypay ng dulo, ininigkas inilapat
Inilapat na dulo naging bungkos ng katangian
Katangian ng bungkos naging kapakipakinabang
sigaw ng 'walis'! ! , salamat sa iyong pangangahas......

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success