Jessie Ilagan

Jessie Ilagan Poems

Magmula noong ikaw ay lumisan
Puso ko ay lubhang nasugatan
Ngunit 'di naisip na ikaw ay palitan
Pagkat kirot sa puso'y 'di kayang ibsan
...

What can I do my eyes sees only you?
Even in my dreams there was always you
Now tell me what's the right thing to do?
If my heart beats for someone like you?
...

Bakit ikaw pa ang aking minahal?
Gayong hindi ikaw ang laman ng dasal
Kung pag-ibig lang sana'y naaaral
Puso'y tuturuang sa iba magmahal
...

Habang nakatitig sa himpapawid
At sa mga tala ako'y nakamasid
Walang masambit dila'y nauumid
Luhang nangingilid aking pinapahid
...

Paniwalaan mo ikaw ay mahal ko
Pag-aalinlangan alisin sa isip mo
Pagkat puso ko ay pag-aari mo
Pakaasahan mong ako'y iyong iyo
...

Believe me when I say I like you
For I want every inch of you
Believe me when I say I need you
For my days are empty without you
...

Sa lahat ng sakit na iyong tiniis
Sa mga salitang dinamdam ng labis
Kapatawaran mo ngayon ang nais
At sa piling ko'y huwag umalis
...

Tayo noon ay nagsumpaan
Anumang mangyari'y walang iwanan
Ngunit ngayon ay may alinlangan
Sa pag-ibig nating walang katiyakan
...

Katulad mo ay isang Prinsesa
Pinalaki ng iyong Inang Reyna
Ang maibiga'y agad nakukuha
Ngunit bakit tila ka kulang sa sigla
...

The Best Poem Of Jessie Ilagan

Untitled Poem Of My Broken Heart

Magmula noong ikaw ay lumisan
Puso ko ay lubhang nasugatan
Ngunit 'di naisip na ikaw ay palitan
Pagkat kirot sa puso'y 'di kayang ibsan

Sa bawat pagpintig ng orasan
Nananariwa ating nakaraan
Pilitin man ikaw ay kalimutan
Lagi pa rin sa puso at isipan

Matang 'sing ningning ng panggabing tala
Ngayo'y bumabalong ang sanlaksang luha
'Di matanggap ang iyong pagkawala
Dahil hanggang ngayo'y mahal pa rin kita

Apoy sa aking dibdib, poot sa aking puso
Kay tagal nang panahon, di pa naglalaho
Galit at pag-ibig sa puso ko'y naghalo
Nasusuklam pa rin sa huwad mong pagsuyo

Mga sakit at pait ng kahapon
'Di napaghilom ng lumikwad na panahon
Wagas kong pag-ibig na walang katugon
'Sing lalim ng balon, 'sing lakas ng alon


Written when I was in 3rd year college(2005)

Jessie Ilagan Comments

Jessie Ilagan Popularity

Jessie Ilagan Popularity

Close
Error Success