Alvinzor Flores

Alvinzor Flores Poems

Lyrics of Balita Feat Gab Alipe of Urbandub – Gloc-9
Lapit mga kaibigan at makinig kayo
akoy may dala dalang balita galing sa bayan ko
nais kong ipamahagi ang mga kwento
...

Insert module

Function RandomSelection(aRng As Range)
Dim index As Integer
...

3.

Hi jen! Kamusta ka na? Sana masaya ka ngayun habang binabasa mo itong liham na pinagbuhosan ko ng oras at pagmamahal naiaalay sau. Pasensya na medyu mahirap siguro mabasahin kasi di ako masyado magaling manangalog, pero kahit katiting na mensaha sana maka abot sa puso mo at maramdaman mo kung gano ito ka totoo.
...

[Back]

Private Sub Worksheet_Change(ByVal Target As Range)
Dim Answ As String
...

5.

Excel TutorialExcel Easy
#1 Excel tutorial on the net
Array
...

If Not ThisWorkbook.Saved Then
If MsgBox('Do you want to save the file before continuing? ', vbYesNo, 'Save? ') = vbYes Then
ThisWorkbook.Save
End If
...

'//Insert the following in the Workbook module

Private Sub Workbook_Open()
Call Tempo
...

Function OpenPDFpage(myLink As String, TargetPage As Double)
Set objIE = CreateObject('InternetExplorer.Application')
With objIE
.Navigate myLink & '#page=' & TargetPage
...

Sub KeepShared()
Dim sFile As String
Dim sMsg As String
Dim iUsers As Integer
...

Private Sub Workbook_Open()
Const msg As String = 'Please write here your msg instead of this'
Dim ret As Long
ret = MsgBox(msg, vbYesNo + vbQuestion)
...

Dim WS As Worksheet
Dim i As Long

With ThisWorkbook
...

12.

Suppose your Microsoft Excel workbook contains 10 worksheets, and you want to add a time and date stamp to each worksheet. You could manually enter a time and date formula into a cell in each worksheet, or you can create a named formula that can enter the current date and time without having to retype the formula.

To create the named formula, follow these steps:
...

X = 2
Do while cells(x,1) <>''
Cells(x,4) .Value=cells(x,2) .value +cells(x,2) *cells(x,3)
X=x+1
...

The Best Poem Of Alvinzor Flores

Glocwr

Lyrics of Balita Feat Gab Alipe of Urbandub – Gloc-9
Lapit mga kaibigan at makinig kayo
akoy may dala dalang balita galing sa bayan ko
nais kong ipamahagi ang mga kwento
at mga pangyayaring nagaganap sa lupang
pinangako

ako ay pilipino sa isip at sa gawa
ngunit bakit mga pinuno puro lamang salita
isang gobyernong kayang sikmurain at matawa
na may pamilyang kumakain ng kulang
sa dalawang beses sa isang araw minsan wala
ngang pang lugaw
bakit ganito kababaw isang pagkaing nilangaw
ang dadamputin at kakainin ng batang gutom
alam ba ng mga husgado at lahat ng hukom
na meron mas masahol pa sa hatol
ng kamatayan yan ay ikay maging mahirap sa
sarili mong bayan
mga bata na ang dapat na ginagaway maglaro
bagkos ay agos ng pawis at magbanat ng buto
upang kumita ng ilang pirasong pisong madungis
kalyo sa kamay at paa na manhid sa matulis
hindi manika ang hawak ng kanyang
mumunting braso
bagkos isang taong gulang na kapatid
at may baso
sa harapan nagbabakasakaling lagyan
baryang pambili ng tinapay na pang
laman sa tiyan
mga pinunong bago mamatay at magkasakit
sa sarap ng buhay sakin kayo ay makinig

Duul mga kaigsuunan ugpaminaw kamo
duna koy dala nga mga balita gikan sa banwa ko
gusto ko nga ipahibalo ang mga istorya
nga nagagahitabu sa banwagisa nato

mga bakal na dumudura ng apoy at ng tingga
tangan tangan at balot ng kasuotang pang digma
bakit di mapagtugma ang mayaman at dukha
sa pananaw ang kapalit ay hapis at pag luluksa
pareparehong sundalo muslim man o kristiyano
ilan man ang masawi di mo alam sinong panalo
walang panalo dahil sa huli tayo ang talo
pinoy ang nasa loob ng ataol na sinarado
yan ba talaga ang sumpa dito
sa lupang pinangako
respeto’t pagmamahalan ay pilit na tinatago
lawing hindi makadapo may pakpak na limitado
at nakakulong sa seldang may walang
susing kandado
kailan kaya matatapos ang pag agos ng dugo
at ang kapayapaay mahawakan ng buong buo
yan ba ang kwento o tanong na
pilit na humahawi
sa bawat taong bahagi ng watawat ng hinabi

Duul mga kaigsuunan ugpaminaw kamo
duna koy dala nga mga balita gikan sa banwa ko
gusto ko nga ipahibalo ang mga istorya
nga nagagahitabu sa banwagisa nato



Lyrics of Elmer – Gloc 9
ito ay bayan ni Juan
hindi bayan ni Run

dumating pa sa puntong ang braso ay may bayanihan
bago magkalimutan wag magsapilitan
walang papalitan hindi to katatawanan

Chorus:
Wag kang maniniwala sa paligid mo
(hindi lahat ay totoo)
mga naririnig at nakikita mo
(isa-isang isipin to)
pipiliin mo ang iniidulo
(ang ginagawa’t binibigkas)
dahil pag-usad ay hindi ganun kadulas
(kung ika’y makata sa pinas)

kamusta ka na idol ako nga pala si Elmer
ikaw ang aking idol ang idol ko na rapper
mula ng marinig ko ang kanta mong simpleng tao
ako ay nabaliw nung nilabas mo pa yung lando
may bago ka bang album penge naman ng kopya
meron ako nung luma ang kaso nga lang pirata
sumusulat din ako marunong din akong mag rap
gusto mo ipadinig ko sayo wag kang kukurap
di lang ikaw ang idol ko
pati rin yung stick figgaz
bihira lang kasi sa pilipinas ang matikas
mabilis kang mag salita
pero gangsta ka ba?
merun kana bang baril nakulong ka na ba?
ako rin hindi pa pero bukas baka sakali
may gang doon sa amin sususbukan kong sumali
basta tandaan mo lang ang pangalan ko ay elmer
ikaw ang aking idol, ang idol ko na rapper

Chorus:
Wag kang maniniwala sa paligid mo
(hindi lahat ay totoo)
mga naririnig at nakikita mo
(isa-isang isipin to)
pipiliin mo ang iniidulo
(ang ginagawa’t binibigkas)
dahil pag-usad ay hindi ganun kadulas
(kung ika’y makata sa pinas)

Gloc 9 anong balita narito ka rin pala
buti napadaan ka magpapatato ka ba?
nakikita mo ba to ang mga bago kong tato
mas maangas daw ang rapper pag marami kang tatoo
at makabayan ang dating isa pa cool ka
nagpalagay ako ng watawat may flag pole pa
kasi sasali ako sa pa audition ng isang rapper
at maging isang artist sa kanyang bagong record label
ilan ba ang natanggap siguro mga singkwenta
binigyan kami ng ticket para daw aming
ibenta, medyo malabo ang sabi niya may album pa
eh bakit hindi nya malbas ang album nya
o’ baka naman busy lang kaya pare easy lang
kasi mga mayabang lang ang mahilig magbilang
pero sana maalala mo ang pangalan ko ay elmer
ikaw ang aking idol, ang idol ko na rapper

(Repeat Chorus)

ito ay bayan ni Juan
hindi bayan ni Run

dumating pa sa puntong ang braso ay may bayanihan
bago magkalimutan wag magsapilitan
walang papalitan hindi to katatawanan

Lyrics of Hari Ng Tondo Feat Denise – Gloc-9
kahit sa patalim kumapit isang tuka isang
kahig ang may mga kamay na bahid ng galit
kasama sa buhay ng minana isang maling
akala na ang taliwas na minsan ay tama
ang hari ng tondo hari ng tondo
baka mabansagan ka ng hari ng tondo
hari ng tondo hari ng tondo ohhh
baka mabansagan ka ng hari ng tondo

minsan sa isang lugar sa maynila
maraming nangyayare ngunit takot ang
dilang sabihin ang lahat animoy
kagat kagat kahit itagoy di mo pedeng
pigili ang alamat ng utos ko kahit
madami ang ulupong at halos idiin pa ang
laya sa pagkulong sa kamay ng iilan umaubos
kikilan ang lahat ng pumalag walang tanong
ay kitilan ng buhay, buhay magpapatunay
na kahit hindi makulay kailangan mag bigay
pugay sa kung sino ang lamang mga bitukang
halang at kung wala kang alam ay yumuko ka
nalang hanggang sa may nag pasya na
sumalungat sa agos wasakin ang mga kadenang
na syang gumagapos sa kwentong mas astig
pag sa bagong tahi na lunta sabay sabay
natin awitin ng tabing na tolda

kahit sa patalim kumapit isang tuka isang
kahig ang may mga kamay na bahid ng galit
kasama sa buhay ng minana isang maling
akala na ang taliwas na minsan ay tama
ang hari ng tondo hari ng tondo
baka mabansagan ka ng hari ng tondo
hari ng tondo hari ng tondo ohhh
baka mabansagan ka ng hari ng tondo

Nilusong ang kanal na sa pangalan nyay
tumawag alang alang sa iba tsaka na muna
ang paawat sa mali na nagagawa na tila
nagiging tama ang tunay na may kaylangan
ang sya pinatatamasa lahat silay takot
nakakapaso ang iyong galit mga bakal na may
nag babagang tinga papalit palit sa hangin
na masangsang nakakapanga hina ang nana at
hindi mo matangal na parang bang sima ng
pana na nakulawit subalit sa kabila ng
lahat ay ang halimuyak lamang ng iisang
bulaklak ang syang tanging nag hahatid
sakanya sa katinuan at hindi ipagpapalit na
kahit na sino man. ngunit ng dumating ang
araw na gusto nya ng talikuran ay huli na
ang lahat at sa kamay ng kaibigan ipinasok
ang tinga tumulo ang dugo sa lonta ngayon
alam mo na ang kwento ni ASIONG SALONGA

kahit sa patalim kumapit isang tuka isang
kahig ang may mga kamay na bahid ng galit
kasama sa buhay ng minana isang maling
akala na ang taliwas na minsan ay tama
ang hari ng tondo hari ng tondo
baka mabansagan ka ng hari ng tondo
hari ng tondo hari ng tondo ohhh
baka mabansagan ka ng hari ng tondo

Lyrics of Hindi Mo Nadinig Feat. Jay Durias – Gloc-9
[Chorus: Jay Durias]
Ang buong akala ko ikaw ang siyang nakalaan
Para sa’kin mga dalangin ko’y pinakinggan
Nagkamali ako sa mga pangako mo
Buong akala ko ikaw ang siyang sa akin ay nakalaan

[Verse 1: Gloc 9]
Minahal na kita nang makita kita
Ang pagtingin ko sayo ay higit sa iba
Kinapalan ang mukha niligawan kita
Kahit ako ay alangan sa mata ng iba
Gabi-gabi ang laman ng dasal ay ikaw
Kahit na anong mangyari ako’y di bumitaw
Sa pangarap na sa tuwing merong gabing maginaw
Ang aking kayakap ay walang iba kungdi ikaw
Kaya’t ganun na lamang ang aking saya nung ako ay
Nagpaalam ngunit hinawakan mong aking kamay
At sinabi sa’kin sa hangin parang tinangay
Nang minahal mo ako pwede na kong mamatay
Ako’y nagsikap upang maibigay sa’yo ang langit
Karanyaan sa buhay at mamahaling gamit
Kahit minsa’y nagtatalo sayo’y di kayang magalit
Bawat hakbang palayo ako’y patakbong lumalapit
Upang di magka-agwat ay nagpasobra ng sapat
Ang lahat kinasabwat handa kong gawin ang lahat
Nang ang pag-ibig natin sa isa’t-isa’y hindi lumabo
Parang tubig sa baso kahit na putik ang ihalo

[Chorus: Jay Durias]
Ang buong akala ko ikaw ang siyang nakalaan
Para sa’kin mga dalangin ko’y pinakinggan
Nagkamali ako sa mga pangako mo
Buong akala ko ikaw ang siyang sa akin ay nakalaan

[Verse 2: Gloc 9]
Lagi kang ginagabi ang huli kagabi
Madalis na magising wala ka saking tabi
Pero di naman siguro, baka guni-guni ko lamang to
Walang lang to, siya’y may pinapabili
Bagong damit bagong alahas, mahal basta ikaw
Dagdagan mo pa ng prutas, mangga basta hilaw
Sa mumurahing bagoong malalim na sinasawsaw
Kahit tila malansa ang lasa ay ayos lang daw
Ako ay medyo natuwa, di kaya sana naman
Na ang sinapupunan ng aking mahal nagkalaman
Ngunit nag-aalangan di ko mapag-alaman
Huling beses na nagtabi parang ang hirap tandaan
Isang araw ay dinugo halos lahat ay isumpa mo
Di ko lubos maisip, di ko alam kung pano
Unti-unting nagbago dinuduro mo pa ko
Bulungan sa telepono harap-harapan sa mukha ko
Umuwi ng maaga ingay na tagos sa dingding
Huling-huli sa akto sa’kin binaling ang tingin
Hindi na kita mahal sabay hubad ng yong singsing
Ako’y binalot ng galit at nagdilim ang paningin

[Chorus: Jay Durias]
Ang buong akala ko ikaw ang siyang nakalaan
Para sa’kin mga dalangin ko’y pinakinggan
Nagkamali ako sa mga pangako mo
Buong akala ko ikaw ang siyang sa akin ay nakalaan

[Verse 3: Gloc 9]
Ako’y bumunot ng baril na dinala kaya pala
Kahit walang dahilan magagamit ko pala
Parang namamagang singaw, buong dugong nakabara
Lahat ay gustong isigaw ngunit kumalso ang panga
Pinilingan ang mata, tinalian ang kamay
Minartilyo sa paa sige tumakbo kang pilay
Kahit kayo ay mag-ingay, sige todo bigay
Di na rin naman pwedeng maging testigo si Inday
Inunahan ko na siya bago pa mangyari to
Wala kayong kamalay-malay kung gano kagrabe to
Lahat ng galit at pait ay di kayang masabi ko
Sa idudulot kong sakit na nakaka-imbalido
Kasing kulay na ng talong ang mga kutis niyo ngayon
Mga dumudugong kuko na may pakong nakabaon
Buhok niyong ginunting ko ay isinilid ko sa bayong
Sisilaban hanggang magbaga na parang Bulkang Mayon
Lumamig na ang luhang galing sayo at tumilig
Sa kalaguyo mo na mayroong kutsilyo sa dibdib
Daliri ko’y nasa gatilyo sabay subo sa bibig
Minahal naman kita bakit hindi mo nadinig

ad

Lyrics of Lando – Gloc 9

Lando – Gloc 9
Chorus:
Wag kang mabahala may nagbabantay sa dilim
Nakaabang sa sulok at may hawak na patalim
Di ka hahayaan na muli pang masaktan
Wag ka nang matakot sa dilim

Ito ay kwentong hango na galing sa dalawang taong
Nagmamahalan ng tunay ang ngala’y Elsa at Lando
At kahit parang pagkakataon ay nakakandado
Dahil magkalayo ang uri ng buhay ang estado
Ng buhay ni Lando ay di nalalayo sa marami
Sinunog ng araw ang kulay ng balat at marami
Ng galon ng pawis ang kanyang naidilig sa lupa
Upang ang gutom ay di na masuklian pa ng luha
Habang ang babaeng kanyang minamahal ay sagana
Ngunit kabilang sa pamilya na di alintanang
Makipagkapwa-tao sa mga tulad niyang dukha
Gayon pa ma’y patuloy ang pagmamahal na pinula ng pagibig

Repeat Chorus

Kahit na ano pang bagay ang pilit na ihadlang
Sino man ay walang makakapigil sa paghakbang
Ng mga paa na ang nais ay marating ang ligaya
Niyayang magtanan di nag-atubili na sumama
Hawak ang pangarap at pangako sa isa’t isa
Nagpakalayo-layo di namuhay na may kaba
Dahil alam nila na sa bawa’t isa’y nakalaan
At ang pagmamahalan tangi nilang sinasandalan
Wala ng ibang bagay pa silang mahihiling
Kundi isang pamilya sa loob ng apat na dingding
At isang bubong na maaaring tawaging tahanan
Bakit may pangit na kabanatang kailangang daanan pa

Repeat Chorus

Isang gabi na Huwebes lumubog na ang araw
Doon tayo magkita pasalubong ko’y siopao
Upang ating paghatian pagdating ng hapunan
Meron palang nakaabang sa amin na kamalasan
Eskinita sa Ermita may sumaksak kay Elsa
Sa tagiliran isang makalawang na lanseta
Ang gamit upang makuha lang ang kanyang pitaka
Kami’y mahirap lamang bakit di na siya naawa
Hindi ko naabutang buhay ang aking mahal
At hanggang sa huling hantungan ay nagdarasal
Bakit po bakit po ang laging lumalabas
Sa ‘king bibig palaboy-laboy ni walang landas
Akong sinusunod baliw sa mata ng marami
Siguro nga di ko na kilala aking sarili
Pangala’y taong grasa may patalim na gamit
At ang tanging alam ay isang malungkot na awit
At ang sabi

Repeat Chorus

Wag ka nang matakot sa dilim


Lyrics of Magda Feat. Rico Blanco – Gloc 9
(Chorus)
Magdalena anong problema, bakit di ka makawala sa kadena
at sa gabi gabi ikaw ay nasa selda, na hanap buhay mo ngayon
Magdalena anong problema alam naman natin na dati kang nena
na sa iyong ama ikaw ay prinsesa anong ng yari sayo

(http: //pinoyrapradio.com/forum/discussion/234/lyrics-magda-by-gloc-9-feat-rico-blanco)

Ito’y kwento ng isang babae, tulog sa umaga gising sa gabi
Ang kanyang muka’y puno ng kolorete, sa lugar na ilaw ay patay sinde
Simulan natin ang storya

Ako’y kanyang matalik na kaibigan, Ernesto ang aking pangalan
kwentong dapat nyong malaman, wag ng magbulagbulagan
Bakit ang nais natin ay, malaman ang baho ng iba
pag bibigyan kita, kilala mo ba si magda

Na aking kababata mula pa ng pagkabata
kami lagi magkasama Mga bangkang papel sa sapa,
Kanyang ngiti lumiliwanag ang paligid
at pag syay dumadaan mga leeg ay pumipilipit

Ubod ng ganda noong sya ay nag dalaga
tuwing kausap kona malimit akong tulala
Kahit may nararamdaman pinilit kong isara ang bibig at pintig ng puso para sa kanya

At sasayawan matapos kaming makapag tapos,
dahil pinawis ang mukha ako’y nag punas ng pulbos
kahit parang hindi pantay nag mamadaling hinila
Pinakilala nya lalake na taga maynila

(Chorus)
Magdalena anong problema, bakit di ka makawala sa kadena
at sa gabi gabi ikaw ay nasa selda, na hanap buhay mo ngayon
Magdalena anong problema alam naman natin na dati kang nena
na sa iyong ama ikaw ay prinsesa anong ng yari sayo.

Maraming taon ako’y nalipasan pinilit ko mang takasan
bagkos ay aking nalaman ang tunay kong kailangan
Di ko maibaling ang pag tingin ko sa iba
minamahalko sya hahanapin ko si magda

Lumuwas habang nagdarasal na maabutan
sa lugar na ang sabi’y kanyang pinag tatrabahuan
Nakita kong larawan nya na nakadikit sa pintuan
iba man ang kulay ng buhok di ko malilimutan

Ang kanyang mata at tamis ng kanyang ngiti
dahil ubod ng saya hindi na nag atubili
Agad pumasok sa silid pero bakit ang dilim
madaming lamesa’t mga nag iinumang lasing

Nang biglang nagpalakpakan may mabagal na kanta
sa maliit na entablado ay nakita ko na
ako ay nagtaka nag tanong nag kamot
Bakit sya sumasayaw na sapatos lang ang suot

Ito’y kwento ng isang babaeng, Tulog sa umaga gising sa gabi
Ang kanyang muka’y puno ng kolorete, Sa lugar na ilaw ay patay sinde
Ituloy natin ang storya

Agad s’yang sumama sakin walang kakaba kaba
ang trato nya sakin ay nobyo tila kataka taka
Bumaba sa taxing pinara sa may Sta. Mesa
parang ako’y bida sa mga sumunod na eksena

Kung ito ay panaginip ayaw ko nang magising
ngunit akoy nanaginip umaga na nang magising
Ang naabutan ko lamang ay may sobre sa lapag
liham para sakin na isinulat nya magdamag
Kahit gulong gulo ang isip pinilit kong basahin
di malilimutan ang mga sinabi nya sa akin

Mahal kong ernesto alam kong tulog mo’y malalim
di nako nag paalam dina kita ginising
Salamat nga pala sa pasalubong mong kalamay
at sa pinaka masayang gabi ng aking buhay

Nung iniwan ko ang baryo natin ang akala ko
isang tunay na pag ibig ang matatagpuan ko
Hinanap kung saan saan at kung kani kanino
di ko inakalang ito ang kahahantungan ko

Imbes na ako’y sagipin itinulak sa bangin
ito palang ibig sabihin ng kapit sa patalim
kung mabaho sabunin, Kung makati gamutin
kung hindi na masikmura ay ibaling ang tingin
kahit ako ay bayaran at kaladkaring babaeng

Alam ang amoy ng laway ng iba’t ibang lalake
isa lang ang kaya kong sayo’y maipagmalaki
Ikaw lang ang bukod tanging hinalikan ko sa labi
gusto ko mang manatili sayong mga yakap

Ako may natutuwa dahil ako’y iyong nahanap
wala na yatang walis ang makakalinis ng kalat
At ang katulad ko sayo ay di karapatdapat
pinagarap kong sa altar akoy iyong ihatid

Ngunit sa dami ng pait ang puso ko’y namanhid
di ko makakalimutan ang pabaon mong halik
Pero pakiusap huwag ka na sana pang babalik
Regalo ng may kapal ng ikaw ay makilala
Salamat sa alaala, Nagmamahal magda

(Chorus)
Magdalena anong problema, bakit di ka makawala sa kadena
at sa gabi gabi ikaw ay nasa selda, na hanap buhay mo ngayon
Magdalena anong problema alam naman natin na dati kang nena
na sa iyong ama ikaw ay prinsesa anong ng yari sayo (2x)

Ito’y kwento ng isang babae..


Lyrics of Martilyo ~ Feat. Dex of Letter Day Story – Gloc 9
Dito sa amin kung san nang galing
Mga makatang ulam at kanin
Lamang ang bayad pero pumapayag
Upang masubukan at mapatunayan…

Chorus
Lagi mong tatandaan
Ganito lamang ang dapat na ginagawa mo
Huwag mong palalampasin ang pagkakataon
Kailangang pukpokin ang pako para bumaon

Narito nang muli ang isang taong
‘Di nag atubili na aking mabago ang
‘Yong pag tingin sa mg ataong humahawak ng
Mikropono kahit maputik ay humahakbang
Lumalakas sa bawat pawis na pumapatak
Bawat tinog ng palakpak sakiy tumatatak
Pero ‘di tumaas akong mga paa
Nakatutong sa lupa dahil alam ko na
Akoy nasa pinas may pila sa bigas
Ilan lang ang sikat na bulsa’y di butas
Para ‘di mautas dapat ay matigas
Ang ‘yong mukha kahit paano’y matikman ang

Refrain
Katas ng ubas ang problemay lutas
May maayos na tela maong di kupas
Ang sabi mo sa’kin ay hindi ko na makakaya
Pang habulin mga pangarap
Ay ipunin at pagkatapos ay higupin
Higupin ng higupin
Parang baso na may yelo
Iilang salita pa ba ang dapat kong banggaitin
Na laging bumebwelo
Bueno
Yaman din lamang na ako’y narito na sige
Pakinggan ang mga bagong nasulat kong kanta

Repeat Chorus

Bridge:
Hindi mo kayang pigilan
Hindi mo kayang galusan
Ang puso kong balot sa bakal
Na patuloy patuloy
Sa pagtibok

Humihinga kahit amoy bulok
Walang tigil sa pag subok
Kahit parang gabuhok
Lang ang posibilidad
Mula sa murang edad sa pawis laging babad
Kumakayod sa syudad
Akinse o atrenta kilo o delata
Kanin na mas mura pa ang cd na pirata
Ng bata na si pollisco
Si gloc ba kamo mismo
Bawat plema ng pangngutya ay tiniis ko

Refrain II
Listo pa rin kahit na inaantok
Baka may mapaginipan akong kanta na patok
Sa masa na para bang itoy nag sisilbing pang lunas
‘Di maalis parang sibuyas kahit na ika’y maghugas kamay
Gamit ang baretang sabon ni inay
Bawat salitang ginagamit ang isip moy tinatangay
Ng tula ko tandaan wala pang nagbabago
Pag pinalo ng lulubog ang pako

Repeat Intro


Lyrics of Simpleng Tao – Gloc 9
Verse 1:
Habang tumutunog ang gitara sa ‘kin, makinig ka sana
Dumungaw ka sa bintana na parang isang harana
Sa awit na aking i-sinulat ko kagabi
‘Wag sanang magmadali at ‘wag kang mag-atubili dahil…

Kahit na wala akong pera
Kahit na butas aking bulsa
Kahit pa maong ko’y kupas na
At kahit na marami d’yang iba

Ganito man ako (maniwala ka sana sa akin)
Simpleng tao (na ikaw ang lagi kong dalangin)
Ang maipagyayabang ko lang sa ‘yo (my love)

Chorus:
Pag-ibig ko sa ‘yo na ‘di magbabago
At kahit na anong bagyo, ika’y masusundo
Ganito lang ako (maniwala ka sana sa akin)
Simpleng tao (na ikaw ang lagi kong dalangin)
Na umaasa hanggang ngayon

Hindi mo namang kailangan ang sagutin
Ang aking hinihiling
Nais na maparating
Na ‘di na muli pang dadaloy ang luha
Pupunasan nang kusa
‘Di kailanagng manghula
Kahit pamasahe lang ang palagi kong dala
Upang makasama ka
Kapag nakikita ka
Lagi kang aalalayan kahit ano man ang ‘yong
Mga ibinubulong
Malalim pa sa balon
Ito lamang ang…

Chorus x 3

Verse 2:
Kay Spider-Man o kay Batman
Kay Superman o Wolverine
Kahit ‘di maintindihan
Baka sakaling pansinin

Ganito lang ako (maniwala ka sana sa akin)
Simpleng tao (na ikaw ang lagi kong dalangin)
Ang maipagyayabang ko lang sa ‘yo (my love)

(Pag-ibig) Ko sa ‘yo, ito’y totoo
Wala nang iba, ikaw at ako
Lang ang nasa isip at panaginip
‘Pag nakikita ka, sasabihin ko’y

Nawawala, ikaw na nga
Ang dahilan kung bakit nasulat ko ang tulang
Kahit kanino ay aking maipagyayabang
Minamahal kita subalit tanggapin mo sana kahit…

Ganito lang ako (maniwala ka sana sa akin)
Simpleng tao (na ikaw ang lagi kong dalangin)
Ang maipagyayabang ko lang sa ‘yo (my love)

Chorus:
Pag-ibig ko sa ‘yo na ‘di magbabago
At kahit na anong bagyo, ika’y masusundo
Ganito lang ako (maniwala ka sana sa akin)
Simpleng tao (na ikaw ang lagi kong dalangin)
Ang maipagyayabang ko lang sa ‘yo

Pag-ibig ko sa ‘yo na ‘di magbabago
At kahit na anong bagyo, ika’y masusundo
Ganito lang ako (maniwala ka sana sa akin)
Simpleng tao (na ikaw ang lagi kong dalangin)
Na umaasa hanggang ngayon sa pag-ibig mo

Sa pag-ibig mo
Sa pag-ibig mo
(Maniwala ka sana sa akin)
(Na ikaw ang lagi kong dalangin)
Sa pag-ibig mo
(Maniwala ka sana sa akin)
(Na ikaw ang lagi kong dalangin)
Sa pag-ibig mo
(Maniwala ka sana sa akin)
(Na ikaw ang lagi kong dalangin)
Sa pag-ibig mo
(Maniwala ka sana sa akin)
(Na ikaw ang lagi kong dalangin)
Posted at 12: 14 pm by MrKenshin
Comments (1)
Hinahanap ng Puso (Gloc9)
Verse 1:
pasensya na aking mahal
d naman ako mag tatagal
nais ko lang naman marinig mo ang bawat nilalaman
ng puso kong ito inaalay ko sayo
dinggin mo sana mga sinasabi ng awitin ko
pilitin mang ibalik at sa iba’y isalin
ay hindi malimot ang halimuyak na hatid ng hangin
ng una kang makita hindi makapaniwala
parang panaginip at langit aking nadarama

nais kong malaman mong ikaw ay aking iniibig
sana ay dinggin mo ang tibok nitong dibdib
nais kong malaman mong ikaw ang nasa panaginip
at magkalapit ang agwat ng ating daigdig

Chorus:
hinahanap ng puso ang pag ibig mo (makinig ka sana sakin)
hindi ito malilimutan ng pagmamahal at ligaya na dala mo (laman ng aking damdamin)
at kung saka sakali na kaya mo pang ibalik (sige na wag ka ng mag alin langan)
ang dating pag tingin sa puso kong nananabik pa sa iyo…

Verse 2:
ngunit ngayon alam ko na
sadyang mag ka-iba
ano nga naman ang di mo pwedeng makita saknya
merong magarang kotse
wallet na doble doble
di tulad ko na di man lang makapanood ng sine
sana’y malaman mo na mawala man ako
ay may pag ibig na laging gumagabay sayo
di ka pababayaan laging aalagaan
hanggang sa dulo ay tunay ang aking naramdaman

nais kong malaman mong ikaw ay aking iniibig
sana ay dinggin mo ang tibok nitong dibdib
nais kong malaman mong ikaw ang nasa panaginip
at magkalapit ang agwat ng ating daigdig

Chorus x 3


Lyrics of Sirena – Gloc 9
Featuring: Ebe Dancel

Ebe:
Ako’y isang sirena
Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda
Ako’y isang sirena
Kahit anong gawin nila bandera ko’y di tutumba
Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso sa akin dumidikdik
Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga, sa’kin kayo ay bibilib

Gloc 9:
Simula pa no’ng bata pa ako,
Halata mo na kapag naglalaro
Kaya para lahat ay nalilito,
Magaling sa Chinese garter at piko
Mga labi ko’y pulang pulang pula,
Sa bubble gum na sinaba
Palakad lakad sa harapan ng salamin,
Sinasabi sa sarili “ano’ng panama nila”
Habang kumekembot ang bewang,
Mga hikaw na gumegewang
Gamit ang pulbos na binili kay aling bebang
Upang matakpan ang mga pasa sa mukha
Na galing sa aking ama
Na tila di natutuwa sa tuwing ako’y nasisilayan
Laging nalalatayan,
Sa paglipas ng panahon ay di ko namamalayan
Na imbes na tumigas ay tila lalong lumalambot
Ang puso kong mapagmahal
Parang pikit matang bulol.

Ebe:
Ako’y isang sirena
Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda
Ako’y isang sirena
Kahit anong gawin nila bandera ko’y di tutumba
Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso sa akin dumidikdik
Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga, sa’kin kayo ay bibilib

Gloc 9:
Hanggang sa naging binata na ako
Teka muna mali, dalaga na pala ‘to
Pero bakit parang lahat ay nalilito pa rin
Ano bang mga problema nyo
Dahil ba ang mga kilos ko’y iba,
Sa dapat makita ng inyong mata
Sa tuwing nanonood ng liga laging natutulala
Kahit di pumasok ang bola ako’y tuwang tuwa
Kahit binaliw na sa tapang, kasi ganun na lamang
Akong paluin ng tubo kahit kinakalawang
“tama nanaman itay, di napo ako pasaway
Di ko na po isusuot ang lumang saya ni inay
Kapag ako’y naiiyak ay sumusugod sa ambon
Iniisip ko na lamang na baka ako’y ampon
Kasi araw araw na lamang ay walang humpay na banat
At inaaabot ang ganda ko papailalim ng dagat

Ebe:
Ako’y isang sirena
Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda
Ako’y isang sirena
Kahit anong gawin nila bandera ko’y di tutumba
Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso sa akin dumidikdik
Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga, sa’kin kayo ay bibilib

Gloc 9:
Lumipas ang mga taon na nagsipag-asawa
Aking mga kapatid, lahat sila’y sumama
Nagpakalayo layo ni hindi makabisita
Kakain na po itay, nakahanda na’ng lamesita
Akay akay sa paglakad paisa isang hakbang
Ngayo’y buto’t balat ang dati matipunong katawan
Ngayon sa iyong kaarawan, susubukan kong palitan
Ang lungkot na nadarama, wag napo nating balikan
Kahit medyo naiinis hindi dahil sa nagka-cancer
Kasi dahil ang tagapag-alaga mo’y nakaduster
Isang gabi, akoy iyong tinawag, lumapit
Ako sayong tabi ikay tumangan, kumapit
Ka sa aking kamay kahit hirap magsalita
Anak, patawag sana sa lahat ng aking nagawa
Di sinusukat ang tapang at ang bigote sa mukha
Dahil kung minsa mas lalake pa sa lalake ang bakla

Ebe:
Drum na may tubig ang sinisisid
Naglalakihang mga braso, sa’kin dumidikdik
Drum na may tubig ang sinisisid
Sa patagalan ng paghinga sakin kayo ay bibilib
Ako’y isang sirena
Kahit anong gawin nila
Bandera koy di tutumba…

Lyrics of Sumayaw Ka – Gloc 9

Sumayaw Ka – Gloc 9
Na na na na na na na na…

Chorus:
Wag kang matakot sumayaw
Katawan ay igalaw
Sige sumayaw ka
Kahit na sunod-sunod pang kamalasan ang abutin mo
Wag kang mag-alala limutin ang problema
Wag kang matakot sumayaw
Katawan ay igalaw
Sige sumayaw ka
Gumiling ka lang o gumalaw sa awitin kong ito
Hayaan mo sige sayaw sumigaw ka
Wag kang matakot sumayaw
Wag na wag kang bibitaw
Sadyang ganyan lang ang buhay
Magkumot kung maginaw
Wag kang matakot sumayaw
Katawan ay igalaw
Sige sumayaw ka
Kahit na sunod-sunod pang kamalasan ang abutin
Ganito lamang kasi yan mic check one two

Listen up eto nang pinakabaliw ‘pag dating sa rap
Meron akong sasabihin teka wag kukurap
Alam kong maraming daing na di mo matanggap
Pero bago ka tumalon makinig ka kay Gloc
Pag gising mo sa umaga harap sa salamin
Alam mo siguro kung bakit napapailing
Babaeng niligawan mo na di ka sinagot
Kasi kahit nakangiti mukha kang simangot
Tinangal ka sa trabaho kasi palaging late
Buong buhay mo wala ka pang babaeng nai-date
Pinutulan ka ng ilaw kahit na isa lang
Ang gamit mo sa bahay di uling pa na kalan
Maluwang na mga medyas na may tapal o dikit
Pero masikip ang mga pantalon pati damit
Di mabayaran utang mo sa tindahan
Pero gano’n pa man ok lang yan

Repeat Chorus

Sweldo mo pero naholdap ka
Tinapon mo ticket mo kaso nabunot ka
Marunong kang lumangoy pero nalunod ka
Tumakbo nadapa na pagulong-gulong pa
Naipit ang kamay sa electric fan
Siga pero laging napapagtripan
Pinaliwanag di mo naintindihan
Brownout may kandila di masindihan
Di matext di matawagan ang cellphone mo
Pinapawisan kapag bukas ang aircon mo
Pag tinatanong lagi sagot ay ewan ko
Lagi kang binabatukan ng erpat mo
Di mo na malaman ang iyong gagawin
Bahay na dinidigil ay gigibain
Wala ka nang alam na ibang paraan
Pero gano’n pa man ok lang yan

Repeat Chorus

Yeah say what now
Yeah check it out now
Yeah yo
Yeah haha
Whoo
Bago ko tapusin ang tulang ito 2x
May sasabihin lang ako
May sasabihin lang po
Haha game

C’mon everybody sa akin ay sumabay
Sama-sama sumayaw taas ang mga kamay
Kung maraming iniisip ulo umiinit
Ganyan lamang talaga wag ka nang mabadtrip 4x

Peace



Lyrics of Upuan – Gloc 9 Ft. Jeazell Grutas of Zelle
Kayo po na naka upo,
Subukan nyo namang tumayo
Baka matanaw, at baka matanaw ninyo
Ang tunay na kalagayan ko

Ganito kasi yan eh…

Verse 1:

Tao po, nandyan po ba kayo sa loob ng
Malaking bahay at malawak na bakuran
Mataas na pader pinapaligiran
At naka pilang mga mamahaling sasakyan
Mga bantay na laging bulong ng bulong
Wala namang kasal pero marami ang naka barong
Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong
Mga plato’t kutsara na hindi kilala ang tutong
At ang kanin ay simputi ng gatas na nasa kahon
At kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamon
Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyan
Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan
Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan
Na pag may pagkakatao’y pinag-aagawan
Kaya naman hindi niya pinakakawalan
Kung makikita ko lamang siya ay aking sisigawan

Chorus:

Kayo po na naka upo,
Subukan nyo namang tumayo,
Baka matanaw, at baka matanaw ninyo
Ang tunay na kalagayan ko

Verse 2:

Mawalang galang na po
Sa taong naka upo,
Alam niyo bang pantakal ng bigas namin ay di puno
Ang ding-ding ng bahay namin ay pinagtagpi-tagping yero
Sa gabi ay sobrang init na tumutunaw ng yelo
Na di kayang bilhin upang ilagay sa inumin
Pinakulong tubig sa lumang takuring uling-uling
Gamit lang panggatong na inanod lamang sa istero
Na nagsisilbing kusina sa umaga’y aming banyo
Ang aking inay na may kayamanan isang kaldero
Na nagagamit kapag ang aking ama ay sumueldo
Pero kulang na kulang parin,
Ulam na tuyo’t asin
Ang singkwenta pesos sa maghapo’y pagkakasyahin
Di ko alam kung talagang maraming harang
O mataas lang ang bakod
O nagbubulag-bulagan lamang po kayo
Kahit sa dami ng pero niyo
Walang doktor na makapag papalinaw ng mata niyo
Kaya…

Wag kang masyadong halata
Bato-bato sa langit
Ang matamaay wag magalit
O bato-bato bato sa langit
Ang matamaan ay
Wag masyadong halata
Wag kang masyadong halata
Hehey, (Wag kang masyadong halata)
(Wag kang masyadong halata)

Lyrics of Walang Natira – Gloc 9
[Sheng Belmonte]
Napakaraming guro dito sa amin ngunit
Bakit tila walang natira
Napakaraming nurse dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira
Nagaabroad sila
(Gusto kong yumaman4x)
Nagaabroad sila
(Gusto kong yumaman4x)
Nagaabroad sila

[Gloc-9]
Lupa kong sinilangan ang pangalan ay pinas
Ngunit bakit parang puno na ang prutas ay pitas
Nauubusan ng batas parang inamag na bigas
Lumalakas na ang ulan ngunit ang payong ay butas
Tumatakbo ng madulas mga pinuno ay ungas
Sila lang ang nakikinabang pero tayo ang utas
Mga kabayan natin ay lumilipad, lumalabas
Para pumunta ng ibang bansa at doon magtanas
Ng kamay para lamang magkakalyo lang muli
Ang pahingay iipunin para magamit paguwi
Dahil doon sa atin mahirap makuha ang buri
Mapahiran ng tsokolate ang matamis na ngiti
Ng anak na halos di nakilala ang ama
O ina na wala sa tuwing kaarawan nila
Dadarating kaya ang araw na ito’y magiiba
Kung hindi ka sigurado mag-isip isip ka na
[Sheng Belmonte]
Napakaraming inhinyero dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira
Napakaraming karpintero dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira
Nagaabroad sila
(Gusto kong yumaman4x)
Nagaabroad sila
(Gusto kong yumaman4x)
Nagaabroad sila

[Gloc-9]
Mabuti kung mabuti ang kinakahinatnan
Ang kapalaran ng lahat nang nakipagsapalaran
Kahit nag-aalangan para lang sa kapakanan
Ng mahal sa buhay ang sugal ay tatayaan
Nasanlaan lahat ng kanilang pag-aari
Mababawi din naman yan ang sabi pagnayari
Ang proseso ng papeles para makasakay na sa eroplano
O barko kahit saan man papunta.
Basta kumita ng dolyar na ipapalit sa piso
Ang isa ay katumbas ng isang dakot ng mamiso
Ganyan ba ang kapalit ng buhay ng Pilipino
Lilisanin ang pamilya aamo kahit na sino
Gugutumin sasaktan malalagay sa piligro
Uuwing nasa kahon ni wala man lang testigo
Darating kaya ang araw na itoy magiiba
Kung hindi ka sigurado mag-isip isip ka na
[Sheng Belmonte
Napakaraming kasambahay dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira
Napakaraming labandera dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira
Nagaabroad sila
(Gusto kong yumaman4x)
Nagaabroad sila
(Gusto kong yumaman4x)
Nagaabroad sila

[Gloc-9]
Subukan mong isipin kung gaano kabigat
Ang buhat ng maleta halos hindi mo na maangat
Ihahabilin ang anak para ‘to sa kanila
Lalayo upang magalaga ng anak ng iba
Matapos lamang sa kolehiyo matutubos din ang relo
Bilhin mo na kung anong gustong laruan ni angelo
Matagal pa kontrato ko titiisin ko muna ‘to
Basta ang mahalaga ito’y para sa pamilya ko
[Sheng Belmonte
Napakaraming guro dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira
Napakaraming nurse dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira
Nagaabroad sila
(Gusto kong yumaman4x)
Nagaabroad sila
(Gusto kong yumaman4x)
Napakaraming tama dito sa atin…
Ngunit bakit tila walang natira…

Alvinzor Flores Comments

Captain Herbert Poetry 30 April 2014

Beautiful with full of meaning poems. Great

0 0 Reply

Alvinzor Flores Popularity

Alvinzor Flores Popularity

Close
Error Success